December 2008
S M T W T F S
« Oct    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Help support the site

Dilbert's Widget

Archive for the 'General' Category

sentimyento de asukal

Posted in General, Life on October 17th, 2008

its been awhile since i posted anything in this space. well, honestly… i don’t know what to post. there’s so many things i want to talk about. but i don’t know if its worth posting here. so i stopped (although the payment for this site doesn’t stop, lol!). until now. figured that i’m paying for this. might as well write anything i want. there is so much i want to do. but so limited time. and it seems that i am addicted to sleeping LOL!

now if i had the time, what would i do. hmmm… i would take that long overdue boxing sessions that i so much wanted, so i can jab away my flabs. i would also want to go to china to get my boxes of stuff back to the philipppines. then i would schedule my time to go surfing at last! spend some quiet time at the beach listening to the waves lapping the shores. just being still and lost in my own thoughts. no laptops, no tickets, no service request and no databases…

isang buwang oink! oink!

Posted in General, Life on November 6th, 2007

teka, teka. di po ako nakikiuso sa mga pangyayari sa pinoy big brother house. at di rin ako natutuwa sa mga crazy antics nila dun. di rin ako nanonood talaga ng PBB, kaya nga lang di ako ang reyna ng TV kaya i have no other choice but to watch whatever is shown on the tube. naisip ko lang, simula ng lumipat ako ng kumpanya, eh wala nangyari sakin kungdi tumaas ng tumaas ang timbang! ‘nak ng siopao talaga! sarap kase ng pagkain, wehehe (at kasalanan talaga ito ng baby ko!!! hihihi). gained 4kgs methinks. hirap tanggalin nyan ha?!

a new life, a new love (ayan baby, binati na kita sa blog ko!), and everything seems rosy now. pwera lang sa work ko, when it seems as if they’re like gremlins, multiplying at an exponential rate (waaaah!). there are tradeoffs, but everything seems more than acceptable considering the things that was given to me (*wink!* *wink!*).  plans are still being made, lots of it. including my brand spanking (but yet still currently invisible) new house. ipapagawa ko na nga sya sa bespren ko, kaso bigla ba naman akong lalayasan papuntang oman. ibyanggggg! lukaret ka talaga! sino na?! sino na gagawa ng bahay ko?!!!! pag di yan nagawa kasalanan moooo! joke! pero of all the things that has happened to me, sad ako sa pag alis ni bespren ko. pano na yan?! wala ng bastos sa bahay ni lola! wala ng sikyu na gagala gala sa gabi, wala ng makulit na mag aayang mag hiphop abs! it is extremely sad when good people has to leave the country for better opportunities. pero di bale, babalik ka rin! walang pork oink! oink! sa oman! hehehe. goodluck bespren ibyang! wag masyadong malungkot sa oman. wag kang mag alala, mag iinvest ako ng piso araw araw sa friendship natin. ite-text kita palagi kahit alam kong never kang naging textmate ko, wehehehe.

bakeeet?!

Posted in China, General, Life on August 31st, 2007

“bakit?” isang tanong na palagi kong nababanggit simula pa sa pagkabata ko. kadalasan napipikon na sakin ang nanay ko, kakatanong ko ng bakit. ang kulit daw ng lahi ko. at sa edad kong ito, ganun pa rin ang tanong ko. pero mas madalas, anga mga tanong ko ay walang kasagutan. eh ano ba gagawin mo pag wala kang maisagot sa sarili mong katanungan? magtatanong ka ba sa iba? ang tanong (na naman!) ay maaari mo rin bang itanong sa kanila ang iyong tanong? dumadami na tuloy ang katanungan mo. lalong sasakit ang ulo mo. pwede ding uupo na lang ako sa ilalim ng puno sa bukid at maghihintay na bumagsak ang bayabas sa ulo ko. parang si newton. at bigla kang magkaron ng epiphany (ano nga sa tagalog ‘to?!) sa mga bagay bagay.

pagod na ako kaiisip sa mga tanong kong walang kasagutan. sa mga pangyayaring di ko maaaring pigilan. kung saan ako dalhin ng ihip ng hangin, dun na lang ako pupunta. di na manlalaban, di na mag iisip. para que pa? eh pagdating naman sa kahuli hulihan, mag isa ka pa rin namang tatahakin ang buhay. lahat ng suliranin mo, lahat ng mga pasanin mo sa buhay ikaw at ikaw rin lang ang magdadala. kung aasa ka sa iba, madagdagan lang ang listahan mo ng mga taong nagpasakit sa puso mo. di na lang.

ano na ba ang sinasabi ko?! wala na yatang saysay. alas sais na kasi ng umaga, di pa rin ako makatulog. matutulog pa kaya ako? o lalabas muna para sumimoy ng sariwang hangin? tama. dun sa aking paboritong lugar sa dalampasigan ng heishijiao ihihinga ko ang lahat ng sama ng loob ko. isusulat sa tubig sa pag aasang mawawala silang lahat na parang bula…

Heishijiaodalian3.JPGdalian5.JPGdsc00009.JPG